See No Evil?

Posted On August 11, 2011

Filed under Seryosohan

Comments Dropped leave a response

“I may not agree with a word that you say, but I will defend to the death your right to say it.” —Evelyn Beatrice Hall (incorrectly attributed to Voltaire)

Nitong nakaraang mga araw ay mayroong kontrobersya tungkol sa isang exhibit sa Cultural Center of the Philippines o CCP. Ang exhibit, na pinamagatang “Kulo”, ay nagpapakita ng mga religious icons na hinaluan ng mga pop culture objects. Ang pinaka-kontrobersiyal ay ang obrang “Politeismo” ni Mideo Cruz, na nagpapakita ng mga imahe ng Birheng Maria at ni Hesus na may mga dekorasyon, tulad ng imahe ng Kristong Hari na may rabbit ears at ng isang krusipiho (crucifix) na may nakadikit na nililok na ari ng lalaki na gawa sa kahoy. Dahil dito, nagkaroon ng matinding pagbatikos na nanggaling sa Simbahang Katoliko at mga religious groups, na tinawag itong “bastos”, “blasphemous”, at “sacrilegious”. Nagbanta pa ang mga ito na kakasuhan si G. Cruz at ang pamunuan ng CCP. Mayroon ding nangyaring vandalism sa obra at sinubukan pa itong sunugin. Noong Lunes ay nagpasya na ang CCP na isara ang exhibit dahil sa “security reasons”. At tulad ng napakaraming bagay sa Pilipinas, nakisawsaw na naman ang ilang pulitiko sa isyung ito. Sa kabilang banda, ipinagtanggol ng Concerned Artists of the Philippines ang exhibit, dahil ayon sa kanila, nasa ilalim pa rin naman ito ng freedom of expression at artistic creativity.

Para sa akin, hinayaan na lang dapat ng CCP na magpatuloy ang exhibit sa kabila ng mga batikos. Una sa lahat, nagbigay lamang sila ng precedent na pwede palang hindi ipakita ang isang work of art kapag may na-offend o nasagasaang isang parte ng ating lipunan. Pangalawa, nagmumukhang tumiklop sila sa mga pagbabanta ng ilang tao o grupo. At pangatlo, hindi lamang si Mideo Cruz ang artist na may obra sa exhibit. Isa lamang siya sa mahigit 30 na may mga gawa doon. Ang pagsasara ng exhibit ay unfair para sa ibang may obra doon.

Ngunit ang higit na nakakabahala ay ang reaksyon ng mga tumututol dito, lalo na sa bandalismo at tangkang panununog sa obra ni G. Cruz, pati na rin sa mga hate messages laban sa kanya at sa pamunuan ng CCP. Para sa akin, wala silang pinagkaiba sa mga Taliban na nagpasabog sa mga rebulto ni Buddha sa Bamiyan, Afghanistan noong 2001, o sa mga militanteng Muslim na nanawagan para sa pagpatay sa manunulat na si Salman Rushdie dahil sa kontroberysyal niyang akdang The Satanic Verses, o sa mga Hindu extremists na sumira sa Babri Mosque sa India noong 1992 na nagdulot ng kaguluhan sa pagitan ng mga Hindu at mga Muslim. Sa aking palagay, hindi dapat ginagamit na dahilan ang pagiging “offensive to religious sensibilities” ng isang bagay para wasakin ito o pagbantaan ang buhay ng gumawa nito.

Isa pa, ang pagkakaalam ko ay ang Pilipinas ay isang demokratiko, secular, at multicultural na bansa, hindi isang theocracy na pinatatakbo ng Simbahang Katoliko at ng mga kaalyado nito. Tulad nga ng kasabihan, if you don’t like the show, change the channel. Kung ayaw nyo ng nakikita ninyo, eh di huwag nyo nang tingnan. Hindi kailangang pwersahin ang isang tao o institusyon na manahimik o alisin ang isang bagay dahil nao-offend sila dito. Paano kaya kung sabihin ng mga Muslim na huwag na tayong kumain ng baboy dahil nakaka-offend ito sa kanilang relihiyon? Paano kaya kung sabihin ng mga Saksi ni Jehovah na itigil na ang mga prusisyon ng mga imahe ng santo, pati na ang pagkanta ng “Lupang Hinirang” dahil ito ay “blasphemy” sa kanilang relihiyon? Papayag din kaya tayo o babalewalain sila kasi hindi naman sila ang majority? Kabalintunaan din na sabihing ang isang bagay na sinasabi nilang “anti-Catholic” ay anti-Filipino”. Ang Republika ng Pilipinas at ang Simbahang Katoliko ay hindi iisa.

Higit sa lahat, parang pinatunayan na rin nila na totoo ang mensahe ni Mideo Cruz sa kanyang obra, na mas pinahahalagahan ng mga “deboto” ang mga idolo at imahe ng Diyos na gawa ng tao kaysa sa mga aral Niya. Paano mo nga naman mailalarawan ang kanilang sobrang ingay sa isyung ito samantalang napakatahimik nila sa mas malaki pang kasalanan dito, gaya ng pagtanggap ng pera at ng SUV ng ilang obispo mula sa PCSO at PAGCOR, marahil bilang kapalit ng pananahimik sa Hello Garci scandal, NBN-ZTE deal, at iba pang katiwalian ng nakaraang administrasyon? Paano mo nga naman mabibigyan ng justification ang pagbatikos sa isang obrang gawa sa kahoy pero pagdating sa mga iskandalong gaya ng sexual molestation na sangkot ang mga pari mismo eh wala silang sinasabi? Nasaan na ang mga aral ni Kristo na gaya ng “love your enemies”, “turn the other cheek”, “whatever you did to the least of your brethren, you have done to Me”, at iba pa? Hindi ba mas malaking “blasphemy”, “sacrilege”, at pambabastos ang pananahimik sa kamalian?

Alam kong dapat na magkaroon ng pagrespeto sa mga nararamdaman ng isang tao o grupo, pero dapat din itong samahan ng tolerance para sa mga opinyon ng iba, dahil delikado para sa isang bansa, lalo na sa isang lipunang naniniwala sa demokrasya, pagkakapantay-pantay, at kalayaan na paboran ang isang grupo o relihiyon dahil sila ang mas nakararami. Delikado rin na hayaan lamang ang isang grupo o relihiyon na kontrolin ang anumang sasabihin, mapapanood, mababasa, o maririnig sa isang lipunan na ayon lamang sa kung ano ang gusto o ayaw nilang marinig, mapanood, mabasa, o sabihin.

Iyun lang.

Advertisements

Eiga Sai 2011: Summer Days with Coo (河童のクゥと夏休み “Kappa no Kwu to Natsuyasumi”)

Posted On July 13, 2011

Filed under Eiga Sai 2011

Comments Dropped leave a response

Heto nga pala yung una naming napanood na pelikula sa Eiga Sai 2011 na katatapos lang kagabi. Since sinabi ko nga sa nakaraan kong blog post na gagawan ko ng individual reaction ang bawat pelikulang mapapanood ko, heto na yun.

Sa totoo lang, akala namin eh tutulugan lang namin itong pelikulang ito. Paano ba naman, kagagaling lang namin sa inuman. Lalo na ako, na medyo marami nang nailagay na alkohol sa sistema ko. Hindi namin inasahan na maling-mali ang inisip namin.

Ang istorya nito ay umiikot kay Coo, isang kappa o water sprite, isang mythical creature sa kulturang Hapon, at sa mga taong nakakita sa kanya.

Yup. Siya nga.

Ayon sa mga kuwentong bayan ng Hapon, nakatira ang mga kappa sa mga ilog, batis at mga latian. Mayroon din umano silang bilugang bagay sa kanilang bumbunan na kailangang may tubig parati, o manghihina sila. May mga paniniwala ding nanghihila sila ng mga lumalangoy sa ilog para sila ay malunod at kumakain ng bata, pero hindi na ipinakita ito sa pelikulang ito kasi nga pambata ito.

Undin, may katapat ka na.

Anyway, nagsisimula ang pelikula sa panahon ng mga samurai o ang tinatawag na Edo period sa Japan. Sa panahong ito, sinubukan ng ama ni Coo na pakiusapan ang isang samurai na huwag nang gawing lupang sakahan ang kanilang tinitirhang lugar, pero pinatay siya nito. Isusunod sana si Coo pero nagkaroon ng lindol at nilamon siya ng lupa.

Fast forward 200 years, sa kasalukuyang panahon. Aksidenteng nakita ng isang batang lalaki, si Uehara Koichi, ang batong kinalalagyan ng katawan ni Coo. Inuwi niya ito at hinugasan sa pag-aakalang fossil ng pagong ito, pero surprise! Nagkaroon muli ng malay si Coo. Sa una, gusto niyang umalis pero pinakiusapan siya ni Koichi na manatili, kahit na may pagtutol ang kanyang kapatid na si Hitomi. Sinubukan din nilang maghanap ng mga kauri ni Coo, pero wala silang nakita. Naging close din si Coo sa asong si Ossan, na kaya pala siyang kausapin telepathically.

Hindi naglaon, natunugan din ng mga tao ang existence ni Coo. Kaya naman napilitan na silang lumabas sa TV. Nandoon din sa TV show ang isang propesor na naniniwalang totoo ang mga kappa. Inilabas niya ang isang bagay na ipinamana sa kanya ng kanyang mga ninuno: isang braso ng kappa na sa ama pala ni Coo. Ang ninuno pala niya ay ang samurai na pumatay dito. Nang nakilala ni Coo ang braso, siya ay nabalot ng kalungkutan at galit kaya kinuha niya ang braso ng kanyang ama at tumakbo palabas ng studio, pero nabasag muna ang mga camera dahil sa kanyang kapangyarihan.

"My name is Coo. Your ancestor killed my father. Prepare to...never mind. GIVE ME MY FATHER'S ARM!"

Tinulungan siya ni Ossan na makalayo sa mga tao at makahanap ng isang tahimik na lugar, pero walang ganun sa siyudad. Eventually, nakaabot din sila sa Tokyo Tower, kung saan nasagasaan ng isang kotse si Ossan. Saktong may mga nagliliparang buwitre sa ibabaw nila at pinagpaplanuhan na silang gawing meryenda. Ang nangyari, pinasabog ni Coo gamit ang isang buwitre na nangahas na subukang dagitin sila gamit ang kanyang kapangyarihan.

Parang ganito lang.

Umakyat na si Coo sa Tokyo Tower na may intensyong magpakamatay dahil sa mag-isa na lang siya sa mundong ibabaw, pero kumulimlim ang langit at may nakita siyang dragon. Inisip ni Coo na isa itong pahiwatig mula sa kanyang ama na hindi pa niya panahon para lumisan.

Sa kaso nila, dragon ang proxy ng tatay ni Coo.

Nasundan naman siya doon ng pamilya ni Koichi at nakuha siyang muli. Pagkatapos ng ilang araw, nakakuha ng sulat si Coo na nagsasabing dapat na siyang umalis. Tinulungan naman siyang magbalut-balot ng pamilya ni Koichi kahit na labag sa kanilang kalooban, at tulad ng instructions sa sulat, ipinadala siya bilang package. Ang nagpadala pala ng sulat ay isa ring mythical creature na Ossan din ang palayaw. Sinabi ng bago niyang kasama na puwedeng magkaroon si Coo ng human form. Nagtapos ang pelikula na lumalangoy si Coo sa ilog sa bago niyang tirahan.

Reaction: 

Katulad ng sinabi ko kanina, mali ang inisip namin noon na tutulugan lang namin ito dahil tulad ng sabi ni Ai-ai Delas Alas, binuhay nito ang mga katawang-lupa namin. Nakakatawa talaga ang mga adventures ni Coo, lalo na noong nakipag-sumo siya kay Hitomi. Hinintay ko rin ang pagpapasabog ni Coo sa buwitre simula ng mabasa ko yun sa synopsis na nasa event program. Meron ding fart joke doon. Pero hindi naman lahat patawa na lang. Meron ding mga makabagbag-damdaming mga eksena, gaya noong makilala ni Coo yung braso ng kanyang ama. May mga aral din naman siya, gaya ng pangangalaga sa kalikasan, pagpapahalaga sa pamilya, etc. Angkop din ang soundtrack sa mga emosyon na nararamdaman sa bawat eksena. Realistic din ang mga imahe. Sa sobrang realistic nga eh, meron ding nasama doong mga bagay na pwede namang wala, at isa rin yun sa nagpagising sa amin.

Hulaan nyo kung ano yun dito.

Ang Hatol:

5 full glasses of water out of 5.

Matatawa ka, mapapaluha ka, mapapaisip ka. Isa sa mga pinakamagandang pelikula sa Eiga Sai 2011. May mga sensitibong eksena nga lang, pero sa pangkalahatan, isang magaling na palabas.

 

Iyun lang.

 

(Susunod: Yunagi City, Sakura Country  (夕凪の街 桜の国   “Yunagi no machi, Sakura no kuni”) )

Let’s get PC-cal.

Posted On July 8, 2011

Filed under Seryosohan

Comments Dropped leave a response

Sa panonood ko ng balita ngayon, mayroon na namang dalawang balita na nakapukaw sa atensyon ko. Una, ang tungkol sa magkasintahang ikakasal na naisipang gawing background para sa kanilang pre-nuptial pictorial ang isang lugar na tinatawag lang namang Libingan ng mga Bayani. Ang pangalawa ay ang pagpapatanggal sa malaking billboard ng ilan sa mga miyembro ng national rugby team (yung sport, hindi yung nakakabangag. XD) natin, ang Philippine Volcanoes, na naka-underwear. Magkaiba man ang circumstances, pareho din ang mga taong involved dito na naging biktima ng labis na PC o political correctness. At aking pinuputol ang aking dapat na planong sunud-sunod na blog posts tungkol sa Eiga Sai 2011 para dito.

Ano nga ba ang political correctness? Ayon sa Wikipedia, “Political correctness…is a term which denotes language, ideas, policies, and behavior seen as seeking to minimize social and institutional offense in occupational, gender, racial, cultural, sexual orientation, certain other religions, beliefs or ideologies, disability, and age-related contexts, and doing so to an excessive extent.” Sa madaling salita, ito ang tawag sa code of conduct para hindi maka-offend sa kapwa base sa kanilang relihiyon, paniniwala, lahi, atbp. Kaya merong terminolohiya sa Amerika na gaya ng “African-American” para sa mga, *ehem*, medyo kulay-kape ang kutis, “Native American” sa kanilang mga katutubo, at iba pa. Sa Pilipinas, mas tinatanggap pa minsan ang terminong “indigenous people” kesa sa pangalan ng mga tribu (kagaya ng Aeta, Badjao, Tausug, etc.).

Wala naman akong reklamo sa pagiging politically correct. Nakakatulong ito para mabawasan ang hindi pagkakaunawaan at ang hindi sinasadyang pananakit ng damdamin o pang-iinsulto sa ibang tao. Ang sa akin lang naman ay kapag ito ay nasosobrahan. Sa katotohanan, ito ay isa sa mga bagay na nasosobrahan nating gawing mga Pilipino, lalo na sa kasalukuyang panahon na meron nang mga social networking sites gaya ng Facebook, Twitter,etc. Ito ang aking mga concern sa sobrang pagka-PC;

Una, nagkakaroon ng selective application ng political correctness. Merong mga sitwasyon na masasabing tama lang at nararapat ang mga batikos ng mga tao sa isang personalidad o grupo (see Willie Revillame and Rafael Santos), pero meron din namang dapat na lamang i-let go, gaya na lamang nung nabanggit ko kaninang magkasintahan na nagpa-picture sa Libingan ng mga Bayani. Ang siste, meron pa ring nagrereklamo kesyo na-offend daw sila. Ang tanong, kung sila ba ang gumawa noon, hindi ba manghihingi rin sila ng pang-unawa? Isa pa, merong mga mahihilig mag-joke tungkol sa mga ibang lahi, pero nao-offend kapag Pilipino na ang nagiging butt of jokes. Patas lang dapat. Tulad nga ng sabi ng isang kaibigan ko, “don’t laugh at others if you can’t laugh at yourself”. 

Pangalawa, pinapatay ng labis na political correctness ang creativity. Katulad ng nangyari kay Candy Pangilinan sa Baguio, magdadalawang-isip ka muna bago ka magbiro tungkol sa mga Igor…ahem, taga-Baguio, kasi baka maging persona non grata ka doon. Pasok din dito iyung sa dalawang sitwasyon na naibalita kanina. Heto na lang ang isipin natin; mayroon kayang obrang Venus de Milo kung nagreklamo ang mga sinaunang taga-Greece tungkol sa mga babaeng nakahubo? Maa-appreciate kaya natin ang “Hallelujah” ni Handel kung umangal ang mga hindi Kristiyano? Marami pa akong pwedeng idagdag, pero baka abutin ako ng umaga.

Pangatlo, nagagamit ang political correctness para magmalinis at magpapansin ang ilan, at the expense ng iba. Ginagamit ang isyu ng moralidad at sensitivity sa lipunan para ipuwersa ang kanilang paniniwala sa ibang tao, ng walang pakundangan sa kanilang mga opinyon. Kaya naman nasisira ang demokrasya at ang imahe ng political correctness dahil sa mga taong ganito.

Maging responsable na lang sana tayo sa ating mga sinasabi o ginagawa, para wala nang masabi ang ibang tao. Kung meron man at sa palagay mo eh wala ka namang ginagawang masama, pabayaan mo na lang sila. You can’t please everybody. 

Iyun lang.

Eiga Sai 2011

Posted On July 7, 2011

Filed under Eiga Sai 2011

Comments Dropped leave a response

Ngayong linggong ito eh masasabi kong busy ako. Hindi dahil sa marami akong trabaho, pero busy ako sa panonood sa mga pelikulang kasama sa Eiga Sai 2011. Ang Eiga Sai–film festival sa wikang Hapon–ay isa sa mga aktibidad na ino-organize ng Japan Foundation Manila (JFM) at ng Japanese Embassy tuwing Hulyo bilang parte ng pagdiriwang ng Philippines-Japan Friendship Month. Pero hindi siya talaga isang film festival, pero isang free screening ng mga piling pelikulang Hapon. Ilang taon na rin itong ginaganap sa bansa, pero nakapunta lamang ako last year. Sa tulong ng isang kaibigan na may press pass, nakumpleto kong panoorin ang lahat ng 10 pelikulang kasama dito. Ngayong taon naman, malapit ko na uling mabuo lahat ng 10 featured films. (Adik ‘no? XD) Bukod sa screening dito sa Maynila, na kasalukuyang ginaganap sa Shangri-La Mall sa Mandaluyong, meron ding mga screenings na gaganapin later this month sa Cebu, at sa Davao at sa UP Film Institute sa Diliman, Quezon City sa Agosto. Nagsimula ang edisyon ngayong taong ito sa isang invitation-only film showing noong July 1. Pagkatapos nito, bukas na ito sa publiko mula noong July 2 hanggang sa July 10.

Ang mga palabas ngayong taong ito ay binabanderahan ng Departures (おくりびと “Okuribito”), isang pelikulang nagwagi ng maraming parangal, kabilang na ang 2008 Academy Award for Best Foreign Language Film. Ang iba pang mga pelikulang kasama sa lineup ngayon ay;

* Summer Days with Coo (河童のクゥと夏休み “Kappa no Kwu to Natsuyasumi”)

* One Million Yen Girl (百万円と苦虫女  “Hyakuman-en to Nigamushi Onna”)

* Yunagi City, Sakura Country  (夕凪の街 桜の国   “Yunagi no machi, Sakura no kuni”)

* The Summit: A Chronicle of Stones (劒岳 点の記  “Tsurugidake: Ten no Ki”)

* Your Friend (きみの友だち  “Kimi no Tomodachi”)

* Villon’s Wife (ヴィヨンの妻 / ヴィヨンの妻 ~桜桃とタンポポ~   “Viyon no Tsuma”)

* Climber’s High (クライマーズ・ハイ  “Kuraimazu Hai”)

* The Chef of South Polar (南極料理人  “Nankyoku Ryorinin”)

* Feel the Wind (風が強く吹いている  “Kaze ga Tsuyoku Fuiteiru”)

Hindi ko na muna ide-describe ang mga pelikulang ito kasi gagawan ko sila ng individual reaction posts. Medyo mahirap, pero kakayanin. Sa totoo lang, gusto ko rin siyang gawin last year kaya lang may writer’s block pa ako noon, at saka sa kaso ng isang pelikulang kasama doon (Always Sunset on 3rd Street 2), mahirap siyang gawan ng reaction kung hindi mo pa napapanood ang prequel niya, kaya hindi na lang.

Bakit nga ba nanonood ako nito? Una, dahil libre siya  isa siyang paraan para matuto tungkol sa kultura ng Japan. Pangalawa, diyan natin makikita ang kaibahan ng mga pelikulang Pilipino at pelikulang Hapon, kung ano ang dapat madagdag, mabawas, o tuluyang matanggal sa paraan at kaisipan natin sa paggawa ng pelikula. Pangatlo, baka may mapulot din tayong mga aral na makakatulong para ma-improve ang ating mga sarili, ang ating mga pamilya, at ang ating lipunan.

Iyun lamang po (sa ngayon).

Japinoy 5th Anniversary Celebration

Posted On July 5, 2011

Filed under Personal Stuff

Comments Dropped leave a response

Sabi nga nila, “huli man daw at magaling, naihahabol din”. Kaya kahit na huli na ang pagse-celebrate ng aming mahal na online community ng ikalimang taon nito sa Internet (June 8 ang talagang petsa nito) noong Sabado, ayos lang kasi nairaos ito ng maayos at nag-enjoy ang mga nakapunta ng todo.

Nagsimula ang diskusyon at pag-oorganisa nito noong June 13, pagkatapos i-offer ni Dan (aka hirodayuy, isa sa mga founding members) ang lugar nila bilang pagdarausan ng event. Nagamit na rin naman yung lugar na yun previously, noong “unofficial” anniversary celebration last year. Medyo mahirap kasing maghanap ng lugar na paggaganapan ng mga ganung uri ng aktibidades. Noong naayos na ang isyu ng venue, nagsimula na ang pagtatanong at pag-iimbita sa mga miyembro kung makakasama sila. Marami naman ang nagkumpirma agad na sasama sila, pero medyo marami din ang hindi nakapunta.

At dumating na nga ang araw na pinakahihintay namin. Nagkita-kita kami sa Trinoma para pumunta na kina Dan. Umulan pa nun kaya medyo nahirapan din kami. Pero nasulit din dahil sa magaling na pagho-host nina Jam (Jam_Kuradoberi) at MJ (ryuchi). Nagkaroon din ng mga games at heto ang mga nagwagi;

Karaoke Contest: Jay (Cloud_Strife)

Japinoy Henyo: ang inyong lingkod at si Gene Michael aka lisyaoran

Blanket Game: Group 2–Mitch (yamapi_michiko), Ayra (YuyaNoHime) , Jay, Hannah (mynameisEyn), Jed, Mike (oasis), Ronnel (arashi), Kuya Carlo (aka Bismarque), at Leo (siyata)

Kendama: Kuya Bismarque

Human Bingo: Lara aka Lady-Rinoa

Nagkaroon din ng munting salu-salo ng chicken afritada, kanin, pancit at maja blanca bilang dessert. Sa bandang dulo ng programa ay may ipinalabas na clip para sa okasyon at paraffle kung saan karamihan ng miyembro eh nakakuha ng isang premyo na hinaluan ng munting kalokohan (karamihan dahil hindi inasahan ng mga sponsors na mas marami ang pupunta). Ang nakuha ko doon ay isang issue ng Otakuzine’s The Otaku Vault. Kinailangan na nga lang na madaliin ang parteng yun dahil may mga dapat nang makauwi para hindi gabihin. Meron namang mga nagpaiwan para sa “post-party celebration“, which is another term para sa inuman, kantahan at paglalaro ng X-Box. XD Linggo ng umaga ng magsialis kaming mga nagpaiwan kina Dan.

Positive naman ang naging feedback mula sa mga miyembro. Sana naman ay maulit, kundi man mahigitan, itong event na ito next year, kung hindi man sa Christmas Party.

Salamat nga pala sa mga sumusunod:

kay Dan sa pagpapatuloy niya sa amin sa kanilang tahanan,

kina Ate Cat (aka Maneki Neko) at Kuya Elvin (aka Wigent–mga founders at administrators ng forum) sa pagbibigay ng “official seal” sa planong ito, pati na rin sa pagbibigay ng mga premyo sa raffle. Kahit wala kayo eh nandun naman kayo in spirit.

kina Maan (aka kumi-chan) at Jam sa pagbibigay din ng premyo sa raffle at sa mga palaro,

kina Lara, Jobelle (aka jayeannev) at Maan sa pagbabalot ng mga premyo. Kahit na hindi sa gift wrapper yun, effort pa rin.

kina Kuya Carlo F. (aka naglalakad), Jed, at Arzen (aka Arzenator) sa inyong paghabol sa event,

sa mga newbies na sina Matt (aka Crusnik), Vincent A. (aka Jizenka), Ronnel, Hannah, at Gessella (aka houseki) dahil hindi kayo nahiyang makihalubilo sa amin.

kina Jam at MJ sa super panalong pagho-host,

at kina Fei (feihaley), Dave (takeru_mikami), Kei (kei30), Mitch, Ayra, Li, Jay, Kuya Bis, Mike, Aya (chaos), Cande (nightwing), at Leo sa pagdalo at pagsuporta sa event na naganap.

Hanggang sa muli!

Iyun lamang po.

Basketball Galore Part 2: Smart Gilas Pilipinas and the Detour on the Road to Wuhan

Posted On June 28, 2011

Filed under sports

Comments Dropped leave a response

Medyo late na rin itong post na ito, pero sabi nga nila, “huli man daw at magaling, maihahabol din”. Katatapos lamang ng 2010 Southeast Asian Basketball Association (SEABA) Championship, kung saan nagtagumpay ang Smart Gilas-Pilipinas sa kabila ng injuries sa ilang manlalaro, kabilang na sina JV Casio, Japeth Aguilar at Marcio Lassiter, at ang “unavailability” ng mga PBA reinforcements na sina Asi Taulava, Dondon Hontiveros, Jimmy Alapag at Kelly Williams. Bago nito, naging 4th place naman ang pambansang koponan sa FIBA-Asia Champions Cup, kung saan pinakaba muna nila ang Mahram-Iran bago matalo sa semifinals, 77-80.

Dahilan sa mga injuries na nabanggit kanina, minabuti na ni Coach Rajko Toroman na kanselahin na ang planong mga tune-up matches sa Turkey at Portugal at sa halip ay magdaos na lamang ng isang “pocket tournament” dito sa Pilipinas na kasama ang isang NBA selection na kinabibilangan nina two-time NBA scoring leader Kevin Durant, 2010-11 NBA MVP Derrick Rose, 2010-11 NBA Rookie of the Year Blake Griffin. Kabilang din umano sina Miami Heat guard Mario Chalmers, Minnesota Timberwolves forward Kevin Love, Philadelphia Sixers forward Andre Iguodala at Sacramento Kings guard Tyreke Evans, pero hindi pa kumpirmado ang mga ito. Ito ay pinaplanong ganapin bago ang William Jones Cup sa Taiwan sa Agosto 6-14.

As usual, marami na namang tumututol dito, sinasabing dapat ituloy na lang daw ang nauna nang plano sa Europa. Marami naman ang nagsasabing hindi daw babagay ang laro ng NBA sa international game na lalaruin sa FIBA-Asia Champions Cup sa Setyembre. Para sa akin, maganda itong planong ito na nabuo bilang pamalit sa mga larong dapat ay sa Turkey at Portugal. Ito ang aking mga dahilan.

1. Mas makakapagpahinga ang mga manlalaro nating may iniinda.

Alam naman natin na batbat ng injuries ang Smart Gilas Pilipinas. Makasasama sa kanila kung pupunta pa sila ng Turkey at Portugal at babalik agad sa Asya para sa William Jones Cup ng halos walang pahinga. Ang pagkakaroon ng isang “pocket tournament” sa Pilipinas ay makakapagbigay ng mas maluwag na panahon sa mga injured na manlalaro para makapagpahinga.

2. Walang dapat ipag-alala sa “style of play”.

Marami ang may agam-agam dahil baka dalhin ng NBA selection ang estilo ng laro ng NBA, na iba sa international style of play, kung sakaling matuloy ito. Siguro naman ay international rules ang gagamitin dito, at wala ring problema ang makakalaban natin, dahil kasama sina Kevin Durant, Derrick Rose, Andre Iguodala at Kevin Love sa Team USA na nanalo ng ginto sa 2010 World Basketball Championship, ang koponang mas kilala bilang “B-Deem Team”.

3. Magandang pang-akit din ito sa ibang de-kalidad na makakalaban.

The mere fact na isang NBA selection na binabanderahan ng MVP at Rookie of the Year ng nagdaang NBA season, ang pinakamagaling na manlalaro noong 2010 World Championships, at isang de-kalidad na bench, ay sapat na para maakit ang ilang de-kalidad na banyagang professional teams, kung hindi man mga national teams, na sumama sa planong tournament. Isa itong magandang practice at learning experience sa Smart Gilas Pilipinas.

4. Isa itong pagkakataon para imulat ang mata ng PBA at ng ilang fans.

Kung magaganap ito sa kalagitnaan ng kasalukuyang PBA Governors’ Cup, magaling. Kung isasabay ang mga laro sa mga laro ng PBA, mas magaling. Panahon na para ipakita sa PBA at sa mga may-ari ng mga koponan na nakatali ang kanilang kapalaran sa hinaharap sa performance ng national team ng Pilipinas, para maging mas committed sila sa pagbuo ng isang magaling na koponan. Hindi na sapat ang maging magaling lang sa PBA. Kailangang maging magaling na rin ang mga manlalaro ng PBA internationally. Isa pa, dapat na ring ibalik ang ilang repormang ginawa noon pero binawi rin, gaya ng unlimited height ceiling para sa mga import, ang pag-urong ng PBA calendar para umayon sa mga international competition, at iba pa.

Sana naman matuloy na itong planong ito. Kahit na matalo ng 40 o 50 points ang Smart Gilas Pilipinas, ito ay isang magandang hakbang para sa ating ultimate goal: ang manalo sa Wuhan, China sa Setyembre at makuha ang kaisa-isang Olympic slot.

Iyun lang.

Protected: Letter to the Stanettes

Posted On June 14, 2011

Filed under Personal Stuff, Seryosohan

Comments Dropped leave a response

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Basketball Galore Part 1: 5 Reasons why I (still) Root for the Miami Heat

Posted On June 4, 2011

Filed under sports

Comments Dropped leave a response

As of this time, the effects of that great comeback of the Dallas Mavericks (and the massive collapse of the Miami Heat) in Game 2 of the NBA Finals are still being felt. With Games 3, 4, and 5 scheduled to be in Dallas, many people are starting to think if the series would still go back to Miami for a Game 6. Although I don’t have anything on the Dallas Mavericks, and wouldn’t mind if Dirk Nowitzki and Jason Kidd (two of the finest players ever to play the game) win their first-ever rings, I am still rooting for the Miami Heat.

 

In honor of the 5 games (possibly) left, I would give 5 reasons why.

 

5. I want Miami to win because it would be the end of a long journey for the team.

Seriously, this team has been through a lot of scrutiny and the subject of a lot of doubt and even hatred, much of it undeserved in my view. They have also been through a lot, from that 9-8 start to losing close games. Despite it all, they still persevered and proved everybody wrong so far. What happened in Game 2 just made me believe more that a title would be an ideal end for this team.

4. I want Miami to win because the NBA might be different after this season.

With a lockout looming on the NBA’s horizon, the league might be a different place when the teams get back to playing. That is why I want the Big Three to win a title this year. I don’t buy what a columnist in ESPN wrote about why people should root for Dallas: “Pull for Dallas because Miami will get forklifts of rings someday. This might be Dallas’ last chance.” Derrick Rose and Kevin Durant would be looking for payback. Kobe is still around. Dwight Howard and Chris Paul might join forces on one team someday. Carmelo Anthony and Amare Stoudemire would have time to hone their teamwork. Boston’s Big Three would try to have one last hurrah. I know that Dirk and Jason Kidd deserve to win a title, but boy, they had to face the wrong team.

3. I want Miami to win because (personally) it would not look good if Shawn Marion would get a ring before Steve Nash and Amare Stoudemire.

Let me clarify one thing first. I have nothing against Marion. He’s a good player and was a crucial addition to the Mavs. However, I think it’s an injustice if he gets a ring before his more talented ex-Suns teammates (especially Nash), and doing it by riding Dirk Nowitzki’s coattails. Steve Nash, at least, should get a ring before he rides into the sunset.

2. I want Miami to win because of Coach Erik Spoelstra.

Okay, I must admit that his Filipino lineage has a lot to do with it, but it goes beyond being a “kababayan”. I think that a championship for Miami will boost the NBA’s stock among Asian-Americans and Asians as well. Sure, Sun Yue and Mengke Bateer have won rings, but they did not have the same impact to their championship teams as Coach Spo has with the Heat’s playoff run. A success for an Asian-American coach will surely have an impact to the game.

1. I want Miami to win because of LeBron James.

Some fans and analysts are talking about LeBron along the lines of what happened before and during this season. “The Decision”, “Bump-gate”, the allegations of quitting, etc.  I think it’s about time that we stop talking about him along those lines and instead talk about how talented a player he is, and the best way to jump-start that conversation is by the Heat winning the crown. Michael Jordan was accused of egotism and having gambling problems, Kobe Bryant was accused of being an egotist as well, and the recently-retired Shaquille O’Neal also got a rap about not staying in shape during the off-season. However, they all got away with it because they had those rings.

 

So, we wait until Monday to see what will happen in Game 3. Until then, the Mavericks fans can soak up the glory of that Game 2 win they deserved.

Osama: Whacked!

Posted On May 12, 2011

Filed under Kabulastugan

Comments Dropped leave a response

A few days ago, sinorpresa tayo ng statement ni US President Barack Obama na napatay na ng isang grupo ng US Navy SEALs ang pinuno ng Al-Qaeda at utak ng 9/11 attacks na si Osama Bin Laden. Hindi kataka-takang ulanin ng pagdududa ang pangyayaring ito, lalo na at dagliang binigyan ng “burial at sea” ang mga labi ni Bin Laden at hindi ipinakita sa publiko ang mga larawan ng kanyang bangkay.

May punto si President Obama sa hindi pagpapakita ng mga picture. Kung sa simpleng hinala nga lang eh napa-praning na ang ilang Muslim, paano pa kaya kapag ipinagwagwagan ni Obama ang mga litrato ni Bin Laden na sabog na ang bao ng ulo?

At dahil medyo sensitibo ang bagay na yun, heto na lang ang isipin ninyo. Yummy.

Marami naman dito sa Pilipinas ang nagdududa naman na napatay na nga si Bin Laden dahil sa terminong “burial at sea.” Hindi daw pwedeng ilibing ang tao sa ilalim ng dagat. Eh kung ang oras at bandwidth na inilalaan sa pagngangangawa sa Facebook at sa Twitter eh ginamit sa pagse-search sa term na yun sa Wikipedia eh may natutunan pa sila.

Para sa akin, naniniwala naman akong patay na si Osama. Mismong Al-Qaeda at Taliban na ang nagkumpirma nito. Isa pa, natutunan ko ring huwag maliitin ang kakayahan ng sandatahang lakas ng anumang bansa, lalo pa kung may motivation at capabilities na gaya ng US Army.

Of course, marami pa ring debate ang umiikot tungkol dito, kung legal nga ba o hindi ang ginawa ng Estados Unidos, kung ayon nga ba sa kaugaliang Muslim ang paglilibing kay Osama, at kung anu-ano pa, pero ibang usapan na yun. Para sa akin, Osama is dead. Well, unless magpakita siya sa TV at ipakita ang mga butas ng bala na tumama sa kanya.

Heto na lang ang iiwan ko, ilan sa mga larawang ginawa ng ilan na lubha yatang natutuwa sa makasaysayang pangyayaring ito….

Yun lang.

Protected: Cooldown Period

Posted On January 27, 2011

Filed under Uncategorized

Comments Dropped leave a response

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Next Page »