Japinoy 5th Anniversary Celebration

Posted On July 5, 2011

Filed under Personal Stuff

Comments Dropped leave a response

Sabi nga nila, “huli man daw at magaling, naihahabol din”. Kaya kahit na huli na ang pagse-celebrate ng aming mahal na online community ng ikalimang taon nito sa Internet (June 8 ang talagang petsa nito) noong Sabado, ayos lang kasi nairaos ito ng maayos at nag-enjoy ang mga nakapunta ng todo.

Nagsimula ang diskusyon at pag-oorganisa nito noong June 13, pagkatapos i-offer ni Dan (aka hirodayuy, isa sa mga founding members) ang lugar nila bilang pagdarausan ng event. Nagamit na rin naman yung lugar na yun previously, noong “unofficial” anniversary celebration last year. Medyo mahirap kasing maghanap ng lugar na paggaganapan ng mga ganung uri ng aktibidades. Noong naayos na ang isyu ng venue, nagsimula na ang pagtatanong at pag-iimbita sa mga miyembro kung makakasama sila. Marami naman ang nagkumpirma agad na sasama sila, pero medyo marami din ang hindi nakapunta.

At dumating na nga ang araw na pinakahihintay namin. Nagkita-kita kami sa Trinoma para pumunta na kina Dan. Umulan pa nun kaya medyo nahirapan din kami. Pero nasulit din dahil sa magaling na pagho-host nina Jam (Jam_Kuradoberi) at MJ (ryuchi). Nagkaroon din ng mga games at heto ang mga nagwagi;

Karaoke Contest: Jay (Cloud_Strife)

Japinoy Henyo: ang inyong lingkod at si Gene Michael aka lisyaoran

Blanket Game: Group 2–Mitch (yamapi_michiko), Ayra (YuyaNoHime) , Jay, Hannah (mynameisEyn), Jed, Mike (oasis), Ronnel (arashi), Kuya Carlo (aka Bismarque), at Leo (siyata)

Kendama: Kuya Bismarque

Human Bingo: Lara aka Lady-Rinoa

Nagkaroon din ng munting salu-salo ng chicken afritada, kanin, pancit at maja blanca bilang dessert. Sa bandang dulo ng programa ay may ipinalabas na clip para sa okasyon at paraffle kung saan karamihan ng miyembro eh nakakuha ng isang premyo na hinaluan ng munting kalokohan (karamihan dahil hindi inasahan ng mga sponsors na mas marami ang pupunta). Ang nakuha ko doon ay isang issue ng Otakuzine’s The Otaku Vault.¬†Kinailangan na nga lang na madaliin ang parteng yun dahil may mga dapat nang makauwi para hindi gabihin. Meron namang mga nagpaiwan para sa “post-party celebration“, which is another term para sa inuman, kantahan at paglalaro ng X-Box. XD Linggo ng umaga ng magsialis kaming mga nagpaiwan kina Dan.

Positive naman ang naging feedback mula sa mga miyembro. Sana naman ay maulit, kundi man mahigitan, itong event na ito next year, kung hindi man sa Christmas Party.

Salamat nga pala sa mga sumusunod:

kay Dan sa pagpapatuloy niya sa amin sa kanilang tahanan,

kina Ate Cat (aka Maneki Neko) at Kuya Elvin (aka Wigent–mga founders at administrators ng forum) sa pagbibigay ng “official seal” sa planong ito, pati na rin sa pagbibigay ng mga premyo sa raffle. Kahit wala kayo eh nandun naman kayo in spirit.

kina Maan (aka kumi-chan) at Jam sa pagbibigay din ng premyo sa raffle at sa mga palaro,

kina Lara, Jobelle (aka jayeannev) at Maan sa pagbabalot ng mga premyo. Kahit na hindi sa gift wrapper yun, effort pa rin.

kina Kuya Carlo F. (aka naglalakad), Jed, at Arzen (aka Arzenator) sa inyong paghabol sa event,

sa mga newbies na sina Matt (aka Crusnik), Vincent A. (aka Jizenka), Ronnel, Hannah, at Gessella (aka houseki) dahil hindi kayo nahiyang makihalubilo sa amin.

kina Jam at MJ sa super panalong pagho-host,

at kina Fei (feihaley), Dave (takeru_mikami), Kei (kei30), Mitch, Ayra, Li, Jay, Kuya Bis, Mike, Aya (chaos), Cande (nightwing), at Leo sa pagdalo at pagsuporta sa event na naganap.

Hanggang sa muli!

Iyun lamang po.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s