Eiga Sai 2011

Posted On July 7, 2011

Filed under Eiga Sai 2011

Comments Dropped leave a response

Ngayong linggong ito eh masasabi kong busy ako. Hindi dahil sa marami akong trabaho, pero busy ako sa panonood sa mga pelikulang kasama sa Eiga Sai 2011. Ang Eiga Sai–film festival sa wikang Hapon–ay isa sa mga aktibidad na ino-organize ng Japan Foundation Manila (JFM) at ng Japanese Embassy tuwing Hulyo bilang parte ng pagdiriwang ng Philippines-Japan Friendship Month. Pero hindi siya talaga isang film festival, pero isang free screening ng mga piling pelikulang Hapon. Ilang taon na rin itong ginaganap sa bansa, pero nakapunta lamang ako last year. Sa tulong ng isang kaibigan na may press pass, nakumpleto kong panoorin ang lahat ng 10 pelikulang kasama dito. Ngayong taon naman, malapit ko na uling mabuo lahat ng 10 featured films. (Adik ‘no? XD) Bukod sa screening dito sa Maynila, na kasalukuyang ginaganap sa Shangri-La Mall sa Mandaluyong, meron ding mga screenings na gaganapin later this month sa Cebu, at sa Davao at sa UP Film Institute sa Diliman, Quezon City sa Agosto. Nagsimula ang edisyon ngayong taong ito sa isang invitation-only film showing noong July 1. Pagkatapos nito, bukas na ito sa publiko mula noong July 2 hanggang sa July 10.

Ang mga palabas ngayong taong ito ay binabanderahan ng Departures (おくりびと “Okuribito”), isang pelikulang nagwagi ng maraming parangal, kabilang na ang 2008 Academy Award for Best Foreign Language Film. Ang iba pang mga pelikulang kasama sa lineup ngayon ay;

* Summer Days with Coo (河童のクゥと夏休み “Kappa no Kwu to Natsuyasumi”)

* One Million Yen Girl (百万円と苦虫女  “Hyakuman-en to Nigamushi Onna”)

* Yunagi City, Sakura Country  (夕凪の街 桜の国   “Yunagi no machi, Sakura no kuni”)

* The Summit: A Chronicle of Stones (劒岳 点の記  “Tsurugidake: Ten no Ki”)

* Your Friend (きみの友だち  “Kimi no Tomodachi”)

* Villon’s Wife (ヴィヨンの妻 / ヴィヨンの妻 ~桜桃とタンポポ~   “Viyon no Tsuma”)

* Climber’s High (クライマーズ・ハイ  “Kuraimazu Hai”)

* The Chef of South Polar (南極料理人  “Nankyoku Ryorinin”)

* Feel the Wind (風が強く吹いている  “Kaze ga Tsuyoku Fuiteiru”)

Hindi ko na muna ide-describe ang mga pelikulang ito kasi gagawan ko sila ng individual reaction posts. Medyo mahirap, pero kakayanin. Sa totoo lang, gusto ko rin siyang gawin last year kaya lang may writer’s block pa ako noon, at saka sa kaso ng isang pelikulang kasama doon (Always Sunset on 3rd Street 2), mahirap siyang gawan ng reaction kung hindi mo pa napapanood ang prequel niya, kaya hindi na lang.

Bakit nga ba nanonood ako nito? Una, dahil libre siya  isa siyang paraan para matuto tungkol sa kultura ng Japan. Pangalawa, diyan natin makikita ang kaibahan ng mga pelikulang Pilipino at pelikulang Hapon, kung ano ang dapat madagdag, mabawas, o tuluyang matanggal sa paraan at kaisipan natin sa paggawa ng pelikula. Pangatlo, baka may mapulot din tayong mga aral na makakatulong para ma-improve ang ating mga sarili, ang ating mga pamilya, at ang ating lipunan.

Iyun lamang po (sa ngayon).

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s