Eiga Sai 2011: Summer Days with Coo (河童のクゥと夏休み “Kappa no Kwu to Natsuyasumi”)

Posted On July 13, 2011

Filed under Eiga Sai 2011

Comments Dropped leave a response

Heto nga pala yung una naming napanood na pelikula sa Eiga Sai 2011 na katatapos lang kagabi. Since sinabi ko nga sa nakaraan kong blog post na gagawan ko ng individual reaction ang bawat pelikulang mapapanood ko, heto na yun.

Sa totoo lang, akala namin eh tutulugan lang namin itong pelikulang ito. Paano ba naman, kagagaling lang namin sa inuman. Lalo na ako, na medyo marami nang nailagay na alkohol sa sistema ko. Hindi namin inasahan na maling-mali ang inisip namin.

Ang istorya nito ay umiikot kay Coo, isang kappa o water sprite, isang mythical creature sa kulturang Hapon, at sa mga taong nakakita sa kanya.

Yup. Siya nga.

Ayon sa mga kuwentong bayan ng Hapon, nakatira ang mga kappa sa mga ilog, batis at mga latian. Mayroon din umano silang bilugang bagay sa kanilang bumbunan na kailangang may tubig parati, o manghihina sila. May mga paniniwala ding nanghihila sila ng mga lumalangoy sa ilog para sila ay malunod at kumakain ng bata, pero hindi na ipinakita ito sa pelikulang ito kasi nga pambata ito.

Undin, may katapat ka na.

Anyway, nagsisimula ang pelikula sa panahon ng mga samurai o ang tinatawag na Edo period sa Japan. Sa panahong ito, sinubukan ng ama ni Coo na pakiusapan ang isang samurai na huwag nang gawing lupang sakahan ang kanilang tinitirhang lugar, pero pinatay siya nito. Isusunod sana si Coo pero nagkaroon ng lindol at nilamon siya ng lupa.

Fast forward 200 years, sa kasalukuyang panahon. Aksidenteng nakita ng isang batang lalaki, si Uehara Koichi, ang batong kinalalagyan ng katawan ni Coo. Inuwi niya ito at hinugasan sa pag-aakalang fossil ng pagong ito, pero surprise! Nagkaroon muli ng malay si Coo. Sa una, gusto niyang umalis pero pinakiusapan siya ni Koichi na manatili, kahit na may pagtutol ang kanyang kapatid na si Hitomi. Sinubukan din nilang maghanap ng mga kauri ni Coo, pero wala silang nakita. Naging close din si Coo sa asong si Ossan, na kaya pala siyang kausapin telepathically.

Hindi naglaon, natunugan din ng mga tao ang existence ni Coo. Kaya naman napilitan na silang lumabas sa TV. Nandoon din sa TV show ang isang propesor na naniniwalang totoo ang mga kappa. Inilabas niya ang isang bagay na ipinamana sa kanya ng kanyang mga ninuno: isang braso ng kappa na sa ama pala ni Coo. Ang ninuno pala niya ay ang samurai na pumatay dito. Nang nakilala ni Coo ang braso, siya ay nabalot ng kalungkutan at galit kaya kinuha niya ang braso ng kanyang ama at tumakbo palabas ng studio, pero nabasag muna ang mga camera dahil sa kanyang kapangyarihan.

"My name is Coo. Your ancestor killed my father. Prepare to...never mind. GIVE ME MY FATHER'S ARM!"

Tinulungan siya ni Ossan na makalayo sa mga tao at makahanap ng isang tahimik na lugar, pero walang ganun sa siyudad. Eventually, nakaabot din sila sa Tokyo Tower, kung saan nasagasaan ng isang kotse si Ossan. Saktong may mga nagliliparang buwitre sa ibabaw nila at pinagpaplanuhan na silang gawing meryenda. Ang nangyari, pinasabog ni Coo gamit ang isang buwitre na nangahas na subukang dagitin sila gamit ang kanyang kapangyarihan.

Parang ganito lang.

Umakyat na si Coo sa Tokyo Tower na may intensyong magpakamatay dahil sa mag-isa na lang siya sa mundong ibabaw, pero kumulimlim ang langit at may nakita siyang dragon. Inisip ni Coo na isa itong pahiwatig mula sa kanyang ama na hindi pa niya panahon para lumisan.

Sa kaso nila, dragon ang proxy ng tatay ni Coo.

Nasundan naman siya doon ng pamilya ni Koichi at nakuha siyang muli. Pagkatapos ng ilang araw, nakakuha ng sulat si Coo na nagsasabing dapat na siyang umalis. Tinulungan naman siyang magbalut-balot ng pamilya ni Koichi kahit na labag sa kanilang kalooban, at tulad ng instructions sa sulat, ipinadala siya bilang package. Ang nagpadala pala ng sulat ay isa ring mythical creature na Ossan din ang palayaw. Sinabi ng bago niyang kasama na puwedeng magkaroon si Coo ng human form. Nagtapos ang pelikula na lumalangoy si Coo sa ilog sa bago niyang tirahan.

Reaction: 

Katulad ng sinabi ko kanina, mali ang inisip namin noon na tutulugan lang namin ito dahil tulad ng sabi ni Ai-ai Delas Alas, binuhay nito ang mga katawang-lupa namin. Nakakatawa talaga ang mga adventures ni Coo, lalo na noong nakipag-sumo siya kay Hitomi. Hinintay ko rin ang pagpapasabog ni Coo sa buwitre simula ng mabasa ko yun sa synopsis na nasa event program. Meron ding fart joke doon. Pero hindi naman lahat patawa na lang. Meron ding mga makabagbag-damdaming mga eksena, gaya noong makilala ni Coo yung braso ng kanyang ama. May mga aral din naman siya, gaya ng pangangalaga sa kalikasan, pagpapahalaga sa pamilya, etc. Angkop din ang soundtrack sa mga emosyon na nararamdaman sa bawat eksena. Realistic din ang mga imahe. Sa sobrang realistic nga eh, meron ding nasama doong mga bagay na pwede namang wala, at isa rin yun sa nagpagising sa amin.

Hulaan nyo kung ano yun dito.

Ang Hatol:

5 full glasses of water out of 5.

Matatawa ka, mapapaluha ka, mapapaisip ka. Isa sa mga pinakamagandang pelikula sa Eiga Sai 2011. May mga sensitibong eksena nga lang, pero sa pangkalahatan, isang magaling na palabas.

 

Iyun lang.

 

(Susunod: Yunagi City, Sakura Country  (夕凪の街 桜の国   “Yunagi no machi, Sakura no kuni”) )

Advertisements

Eiga Sai 2011

Posted On July 7, 2011

Filed under Eiga Sai 2011

Comments Dropped leave a response

Ngayong linggong ito eh masasabi kong busy ako. Hindi dahil sa marami akong trabaho, pero busy ako sa panonood sa mga pelikulang kasama sa Eiga Sai 2011. Ang Eiga Sai–film festival sa wikang Hapon–ay isa sa mga aktibidad na ino-organize ng Japan Foundation Manila (JFM) at ng Japanese Embassy tuwing Hulyo bilang parte ng pagdiriwang ng Philippines-Japan Friendship Month. Pero hindi siya talaga isang film festival, pero isang free screening ng mga piling pelikulang Hapon. Ilang taon na rin itong ginaganap sa bansa, pero nakapunta lamang ako last year. Sa tulong ng isang kaibigan na may press pass, nakumpleto kong panoorin ang lahat ng 10 pelikulang kasama dito. Ngayong taon naman, malapit ko na uling mabuo lahat ng 10 featured films. (Adik ‘no? XD) Bukod sa screening dito sa Maynila, na kasalukuyang ginaganap sa Shangri-La Mall sa Mandaluyong, meron ding mga screenings na gaganapin later this month sa Cebu, at sa Davao at sa UP Film Institute sa Diliman, Quezon City sa Agosto. Nagsimula ang edisyon ngayong taong ito sa isang invitation-only film showing noong July 1. Pagkatapos nito, bukas na ito sa publiko mula noong July 2 hanggang sa July 10.

Ang mga palabas ngayong taong ito ay binabanderahan ng Departures (おくりびと “Okuribito”), isang pelikulang nagwagi ng maraming parangal, kabilang na ang 2008 Academy Award for Best Foreign Language Film. Ang iba pang mga pelikulang kasama sa lineup ngayon ay;

* Summer Days with Coo (河童のクゥと夏休み “Kappa no Kwu to Natsuyasumi”)

* One Million Yen Girl (百万円と苦虫女  “Hyakuman-en to Nigamushi Onna”)

* Yunagi City, Sakura Country  (夕凪の街 桜の国   “Yunagi no machi, Sakura no kuni”)

* The Summit: A Chronicle of Stones (劒岳 点の記  “Tsurugidake: Ten no Ki”)

* Your Friend (きみの友だち  “Kimi no Tomodachi”)

* Villon’s Wife (ヴィヨンの妻 / ヴィヨンの妻 ~桜桃とタンポポ~   “Viyon no Tsuma”)

* Climber’s High (クライマーズ・ハイ  “Kuraimazu Hai”)

* The Chef of South Polar (南極料理人  “Nankyoku Ryorinin”)

* Feel the Wind (風が強く吹いている  “Kaze ga Tsuyoku Fuiteiru”)

Hindi ko na muna ide-describe ang mga pelikulang ito kasi gagawan ko sila ng individual reaction posts. Medyo mahirap, pero kakayanin. Sa totoo lang, gusto ko rin siyang gawin last year kaya lang may writer’s block pa ako noon, at saka sa kaso ng isang pelikulang kasama doon (Always Sunset on 3rd Street 2), mahirap siyang gawan ng reaction kung hindi mo pa napapanood ang prequel niya, kaya hindi na lang.

Bakit nga ba nanonood ako nito? Una, dahil libre siya  isa siyang paraan para matuto tungkol sa kultura ng Japan. Pangalawa, diyan natin makikita ang kaibahan ng mga pelikulang Pilipino at pelikulang Hapon, kung ano ang dapat madagdag, mabawas, o tuluyang matanggal sa paraan at kaisipan natin sa paggawa ng pelikula. Pangatlo, baka may mapulot din tayong mga aral na makakatulong para ma-improve ang ating mga sarili, ang ating mga pamilya, at ang ating lipunan.

Iyun lamang po (sa ngayon).