Osama: Whacked!

Posted On May 12, 2011

Filed under Kabulastugan

Comments Dropped leave a response

A few days ago, sinorpresa tayo ng statement ni US President Barack Obama na napatay na ng isang grupo ng US Navy SEALs ang pinuno ng Al-Qaeda at utak ng 9/11 attacks na si Osama Bin Laden. Hindi kataka-takang ulanin ng pagdududa ang pangyayaring ito, lalo na at dagliang binigyan ng “burial at sea” ang mga labi ni Bin Laden at hindi ipinakita sa publiko ang mga larawan ng kanyang bangkay.

May punto si President Obama sa hindi pagpapakita ng mga picture. Kung sa simpleng hinala nga lang eh napa-praning na ang ilang Muslim, paano pa kaya kapag ipinagwagwagan ni Obama ang mga litrato ni Bin Laden na sabog na ang bao ng ulo?

At dahil medyo sensitibo ang bagay na yun, heto na lang ang isipin ninyo. Yummy.

Marami naman dito sa Pilipinas ang nagdududa naman na napatay na nga si Bin Laden dahil sa terminong “burial at sea.” Hindi daw pwedeng ilibing ang tao sa ilalim ng dagat. Eh kung ang oras at bandwidth na inilalaan sa pagngangangawa sa Facebook at sa Twitter eh ginamit sa pagse-search sa term na yun sa Wikipedia eh may natutunan pa sila.

Para sa akin, naniniwala naman akong patay na si Osama. Mismong Al-Qaeda at Taliban na ang nagkumpirma nito. Isa pa, natutunan ko ring huwag maliitin ang kakayahan ng sandatahang lakas ng anumang bansa, lalo pa kung may motivation at capabilities na gaya ng US Army.

Of course, marami pa ring debate ang umiikot tungkol dito, kung legal nga ba o hindi ang ginawa ng Estados Unidos, kung ayon nga ba sa kaugaliang Muslim ang paglilibing kay Osama, at kung anu-ano pa, pero ibang usapan na yun. Para sa akin, Osama is dead. Well, unless magpakita siya sa TV at ipakita ang mga butas ng bala na tumama sa kanya.

Heto na lang ang iiwan ko, ilan sa mga larawang ginawa ng ilan na lubha yatang natutuwa sa makasaysayang pangyayaring ito….

Yun lang.

Advertisements

Pampalamig

Marami lang akong na-engkuwentrong nakakainis na bagay nitong nakaraang linggo sa aking panonood ng balita, pagbabasa-basa at paggala sa Internet. Kesa naman sa sumulat pa ako ng isang napakahabang blog, idadaan ko na lang sa mga larawang nakita ko sa Internet (yung iba eh ginawa ko lang) ang aking mga gustong sabihin. Tutal, sabi naman nila, “a picture is worth a thousand words”.

Heto lang ang mensahe ko sa mga taong gustong pumalpak ang kasalukuyang administrasyon dahil “butthurt” pa rin sila na hindi ang kandidato nila ang nanalong Pangulo kaya pati personal na buhay eh pinapakialaman, pati na rin sa mga patuloy na nagkakalat ng kasinungalingan tungkol sa Reproductive Health Bill, partikular na si G. Teddy Locsin Jr., na nagsulat pa ng kalokohang artikulo sa Philippines Free Press. Isasama ko na rin ang coach ng Vietnamese football team na si Henrique Calisto, na nilait ang football team ng Pilipinas, ang Team Philippines-Azkals, matapos silang talunin sa kasalukuyang ginaganap na 2010 AFC-Suzuki Cup. Pati na rin pala ang mga Supreme Court justices na nagdeklarang “unconstitutional” ang Truth Commission na dapat sana ay magsisiyasat sa mga kalokohan ng nakaraang administrasyon.

Iyun lang.

Butthurt Troll Nation

Sa aking paglilibot sa malawak na mundo ng Internet dahil sa paghahanap ng kahit na anong broadcast  (video o audio streaming) ng basketball sa 2010 Asian Games na kasalukuyang ginaganap, napapansin kong nagiging aktibo na naman ang mga fans, dahil alam naman nating numero unong sport sa Pilipinas ang basketball. Bago pa lamang ganapin yun eh kanya-kanya nang kuru-kuro at saloobin ang mga fans. Dumadami at umiingay ang Internet boards, blogs at ang Facebook page ng Smart Gilas Pilipinas habang palapit ang Asian Games, at lalo na nung nag-umpisa.

At sa bawat laro, may nananalo at natatalo. Nang dumating na ang turn ng Smart Gilas Pilipinas na matalo, maraming lumabas na mga comments at blogs na nagsasabing “Umuwi na lang kayo!“, “Mag-resign ka na Coach Rajko Toroman!”, “Dapat si <insert name of player or coach here> na lang ang ipinadala, nanalo pa tayo!”, and all that kinds of shit. Pero noong nananalo naman ang Smart Gilas, puro papuri naman ang maririnig mo sa mga bugoy.

Sa aking mahigit na 10 years nang pagkaka-expose sa Internet (ang primary email ko nga eh ginawa using yung Netscape Navigator browser pa), nakita ko ang buti na idinulot nito sa buhay nating mga Pilipino. Subalit naging “channel” din siya sa numero unong “pastime” ng Pilipino, ang magreklamo, ngumawa at manghila ng ibang tao pababa. Sa Net-speak, libangan na nating maging “butthurt” at maging “troll”.

Parang araw-araw ganito ang ibang Pilipino.

Ayon sa Wiktionary, “butthurt” is a slang adjective meaning “annoyed, bothered, or bugged because of a perceived insult“. Pwede din syang noun na ang ibig sabihin ay “annoyance because of a perceived insult” o “upset because of a perceived injustice“. Ang “troll” naman, ayon sa Wikipedia, “is someone who posts inflammatory, extraneous, or off-topic messages in an online community, such as an online discussion forum, chat room, or blog, with the primary intent of provoking other users into a desired emotional response, or of otherwise disrupting normal on-topic discussion“. Sa madaling salita, ang taong “butthurt” eh yung mga tipo ng taong feeling nila ay telenovela ang buhay nila.

The two greatest sources of butthurt feelings in the Philippines.

Ang mga “trolls” naman eh yung layunin lang eh manggulo. Magiingay tungkol sa isang topic para mapansin, o matabunan ang maayos na diskusyon tungkol sa isyung yun, or hatiin ang isang grupo.

The most recent troll magnet.

Maitatanong nyo, anong kinalaman ng mga Internet terms na yan sa buhay natin? Para sa akin, malaki. Marami kasi sa atin ang butthurt sa mga bagay na hindi naman dapat. Butthurt dahil hindi nanalo ang Ginebra, butthurt kasi hindi napili ang idol na makasama sa National Team, butthurt dahil pinalitan ang ka-loveteam ng idol na artista, butthurt kasi nagtaas na naman ang presyo ng langis, butthurt dahil hindi nanalo ang kandidatong sinuportahan. At sa kadahilanang iyan, nagiging troll sila. Binabato ng piso ang referee, sine-secondguess ang mga magagandang hangarin ng kandidato, binabantaan ang bagong ka-loveteam ng idolo, nagra-rally sa kalsada, nagpo-post ng kung anu-ano sa Twitter at Facebook, naghehenyu-henyuhan, at kung anu-ano pa.

 

Magbigay kaya ng ganito ang gobyerno sa bawat Pilipino?

Hindi masama ang pumuna sa kung ano ang sa palagay ng isang tao ay hindi dapat, pero ibang usapan na kung lahat na lang ng makikita ay mali. Tinatabunan ang tama at pinapalaki ang kahit na ang maliit na pagkukulang. Isa pa, kung may nakitang mali, eh di gumawa ng bagay para itama iyun, sa halip na magngangangawa.

Taragis na yan, nagutom ako ah. Masarap kaya ang talangka bilang hapunan? Ah…hindi na siguro, baka masira ang tiyan ko at maging literal ang butthurt ko…XD