See No Evil?

Posted On August 11, 2011

Filed under Seryosohan

Comments Dropped leave a response

“I may not agree with a word that you say, but I will defend to the death your right to say it.” —Evelyn Beatrice Hall (incorrectly attributed to Voltaire)

Nitong nakaraang mga araw ay mayroong kontrobersya tungkol sa isang exhibit sa Cultural Center of the Philippines o CCP. Ang exhibit, na pinamagatang “Kulo”, ay nagpapakita ng mga religious icons na hinaluan ng mga pop culture objects. Ang pinaka-kontrobersiyal ay ang obrang “Politeismo” ni Mideo Cruz, na nagpapakita ng mga imahe ng Birheng Maria at ni Hesus na may mga dekorasyon, tulad ng imahe ng Kristong Hari na may rabbit ears at ng isang krusipiho (crucifix) na may nakadikit na nililok na ari ng lalaki na gawa sa kahoy. Dahil dito, nagkaroon ng matinding pagbatikos na nanggaling sa Simbahang Katoliko at mga religious groups, na tinawag itong “bastos”, “blasphemous”, at “sacrilegious”. Nagbanta pa ang mga ito na kakasuhan si G. Cruz at ang pamunuan ng CCP. Mayroon ding nangyaring vandalism sa obra at sinubukan pa itong sunugin. Noong Lunes ay nagpasya na ang CCP na isara ang exhibit dahil sa “security reasons”. At tulad ng napakaraming bagay sa Pilipinas, nakisawsaw na naman ang ilang pulitiko sa isyung ito. Sa kabilang banda, ipinagtanggol ng Concerned Artists of the Philippines ang exhibit, dahil ayon sa kanila, nasa ilalim pa rin naman ito ng freedom of expression at artistic creativity.

Para sa akin, hinayaan na lang dapat ng CCP na magpatuloy ang exhibit sa kabila ng mga batikos. Una sa lahat, nagbigay lamang sila ng precedent na pwede palang hindi ipakita ang isang work of art kapag may na-offend o nasagasaang isang parte ng ating lipunan. Pangalawa, nagmumukhang tumiklop sila sa mga pagbabanta ng ilang tao o grupo. At pangatlo, hindi lamang si Mideo Cruz ang artist na may obra sa exhibit. Isa lamang siya sa mahigit 30 na may mga gawa doon. Ang pagsasara ng exhibit ay unfair para sa ibang may obra doon.

Ngunit ang higit na nakakabahala ay ang reaksyon ng mga tumututol dito, lalo na sa bandalismo at tangkang panununog sa obra ni G. Cruz, pati na rin sa mga hate messages laban sa kanya at sa pamunuan ng CCP. Para sa akin, wala silang pinagkaiba sa mga Taliban na nagpasabog sa mga rebulto ni Buddha sa Bamiyan, Afghanistan noong 2001, o sa mga militanteng Muslim na nanawagan para sa pagpatay sa manunulat na si Salman Rushdie dahil sa kontroberysyal niyang akdang The Satanic Verses, o sa mga Hindu extremists na sumira sa Babri Mosque sa India noong 1992 na nagdulot ng kaguluhan sa pagitan ng mga Hindu at mga Muslim. Sa aking palagay, hindi dapat ginagamit na dahilan ang pagiging “offensive to religious sensibilities” ng isang bagay para wasakin ito o pagbantaan ang buhay ng gumawa nito.

Isa pa, ang pagkakaalam ko ay ang Pilipinas ay isang demokratiko, secular, at multicultural na bansa, hindi isang theocracy na pinatatakbo ng Simbahang Katoliko at ng mga kaalyado nito. Tulad nga ng kasabihan, if you don’t like the show, change the channel. Kung ayaw nyo ng nakikita ninyo, eh di huwag nyo nang tingnan. Hindi kailangang pwersahin ang isang tao o institusyon na manahimik o alisin ang isang bagay dahil nao-offend sila dito. Paano kaya kung sabihin ng mga Muslim na huwag na tayong kumain ng baboy dahil nakaka-offend ito sa kanilang relihiyon? Paano kaya kung sabihin ng mga Saksi ni Jehovah na itigil na ang mga prusisyon ng mga imahe ng santo, pati na ang pagkanta ng “Lupang Hinirang” dahil ito ay “blasphemy” sa kanilang relihiyon? Papayag din kaya tayo o babalewalain sila kasi hindi naman sila ang majority? Kabalintunaan din na sabihing ang isang bagay na sinasabi nilang “anti-Catholic” ay anti-Filipino”. Ang Republika ng Pilipinas at ang Simbahang Katoliko ay hindi iisa.

Higit sa lahat, parang pinatunayan na rin nila na totoo ang mensahe ni Mideo Cruz sa kanyang obra, na mas pinahahalagahan ng mga “deboto” ang mga idolo at imahe ng Diyos na gawa ng tao kaysa sa mga aral Niya. Paano mo nga naman mailalarawan ang kanilang sobrang ingay sa isyung ito samantalang napakatahimik nila sa mas malaki pang kasalanan dito, gaya ng pagtanggap ng pera at ng SUV ng ilang obispo mula sa PCSO at PAGCOR, marahil bilang kapalit ng pananahimik sa Hello Garci scandal, NBN-ZTE deal, at iba pang katiwalian ng nakaraang administrasyon? Paano mo nga naman mabibigyan ng justification ang pagbatikos sa isang obrang gawa sa kahoy pero pagdating sa mga iskandalong gaya ng sexual molestation na sangkot ang mga pari mismo eh wala silang sinasabi? Nasaan na ang mga aral ni Kristo na gaya ng “love your enemies”, “turn the other cheek”, “whatever you did to the least of your brethren, you have done to Me”, at iba pa? Hindi ba mas malaking “blasphemy”, “sacrilege”, at pambabastos ang pananahimik sa kamalian?

Alam kong dapat na magkaroon ng pagrespeto sa mga nararamdaman ng isang tao o grupo, pero dapat din itong samahan ng tolerance para sa mga opinyon ng iba, dahil delikado para sa isang bansa, lalo na sa isang lipunang naniniwala sa demokrasya, pagkakapantay-pantay, at kalayaan na paboran ang isang grupo o relihiyon dahil sila ang mas nakararami. Delikado rin na hayaan lamang ang isang grupo o relihiyon na kontrolin ang anumang sasabihin, mapapanood, mababasa, o maririnig sa isang lipunan na ayon lamang sa kung ano ang gusto o ayaw nilang marinig, mapanood, mabasa, o sabihin.

Iyun lang.

Let’s get PC-cal.

Posted On July 8, 2011

Filed under Seryosohan

Comments Dropped leave a response

Sa panonood ko ng balita ngayon, mayroon na namang dalawang balita na nakapukaw sa atensyon ko. Una, ang tungkol sa magkasintahang ikakasal na naisipang gawing background para sa kanilang pre-nuptial pictorial ang isang lugar na tinatawag lang namang Libingan ng mga Bayani. Ang pangalawa ay ang pagpapatanggal sa malaking billboard ng ilan sa mga miyembro ng national rugby team (yung sport, hindi yung nakakabangag. XD) natin, ang Philippine Volcanoes, na naka-underwear. Magkaiba man ang circumstances, pareho din ang mga taong involved dito na naging biktima ng labis na PC o political correctness. At aking pinuputol ang aking dapat na planong sunud-sunod na blog posts tungkol sa Eiga Sai 2011 para dito.

Ano nga ba ang political correctness? Ayon sa Wikipedia, “Political correctness…is a term which denotes language, ideas, policies, and behavior seen as seeking to minimize social and institutional offense in occupational, gender, racial, cultural, sexual orientation, certain other religions, beliefs or ideologies, disability, and age-related contexts, and doing so to an excessive extent.” Sa madaling salita, ito ang tawag sa code of conduct para hindi maka-offend sa kapwa base sa kanilang relihiyon, paniniwala, lahi, atbp. Kaya merong terminolohiya sa Amerika na gaya ng “African-American” para sa mga, *ehem*, medyo kulay-kape ang kutis, “Native American” sa kanilang mga katutubo, at iba pa. Sa Pilipinas, mas tinatanggap pa minsan ang terminong “indigenous people” kesa sa pangalan ng mga tribu (kagaya ng Aeta, Badjao, Tausug, etc.).

Wala naman akong reklamo sa pagiging politically correct. Nakakatulong ito para mabawasan ang hindi pagkakaunawaan at ang hindi sinasadyang pananakit ng damdamin o pang-iinsulto sa ibang tao. Ang sa akin lang naman ay kapag ito ay nasosobrahan. Sa katotohanan, ito ay isa sa mga bagay na nasosobrahan nating gawing mga Pilipino, lalo na sa kasalukuyang panahon na meron nang mga social networking sites gaya ng Facebook, Twitter,etc. Ito ang aking mga concern sa sobrang pagka-PC;

Una, nagkakaroon ng selective application ng political correctness. Merong mga sitwasyon na masasabing tama lang at nararapat ang mga batikos ng mga tao sa isang personalidad o grupo (see Willie Revillame and Rafael Santos), pero meron din namang dapat na lamang i-let go, gaya na lamang nung nabanggit ko kaninang magkasintahan na nagpa-picture sa Libingan ng mga Bayani. Ang siste, meron pa ring nagrereklamo kesyo na-offend daw sila. Ang tanong, kung sila ba ang gumawa noon, hindi ba manghihingi rin sila ng pang-unawa? Isa pa, merong mga mahihilig mag-joke tungkol sa mga ibang lahi, pero nao-offend kapag Pilipino na ang nagiging butt of jokes. Patas lang dapat. Tulad nga ng sabi ng isang kaibigan ko, “don’t laugh at others if you can’t laugh at yourself”. 

Pangalawa, pinapatay ng labis na political correctness ang creativity. Katulad ng nangyari kay Candy Pangilinan sa Baguio, magdadalawang-isip ka muna bago ka magbiro tungkol sa mga Igor…ahem, taga-Baguio, kasi baka maging persona non grata ka doon. Pasok din dito iyung sa dalawang sitwasyon na naibalita kanina. Heto na lang ang isipin natin; mayroon kayang obrang Venus de Milo kung nagreklamo ang mga sinaunang taga-Greece tungkol sa mga babaeng nakahubo? Maa-appreciate kaya natin ang “Hallelujah” ni Handel kung umangal ang mga hindi Kristiyano? Marami pa akong pwedeng idagdag, pero baka abutin ako ng umaga.

Pangatlo, nagagamit ang political correctness para magmalinis at magpapansin ang ilan, at the expense ng iba. Ginagamit ang isyu ng moralidad at sensitivity sa lipunan para ipuwersa ang kanilang paniniwala sa ibang tao, ng walang pakundangan sa kanilang mga opinyon. Kaya naman nasisira ang demokrasya at ang imahe ng political correctness dahil sa mga taong ganito.

Maging responsable na lang sana tayo sa ating mga sinasabi o ginagawa, para wala nang masabi ang ibang tao. Kung meron man at sa palagay mo eh wala ka namang ginagawang masama, pabayaan mo na lang sila. You can’t please everybody. 

Iyun lang.

Protected: Letter to the Stanettes

Posted On June 14, 2011

Filed under Personal Stuff, Seryosohan

Comments Dropped leave a response

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Protected: Cooldown Period

Posted On January 27, 2011

Filed under Uncategorized

Comments Dropped leave a response

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Butthurt Troll Nation

Sa aking paglilibot sa malawak na mundo ng Internet dahil sa paghahanap ng kahit na anong broadcast  (video o audio streaming) ng basketball sa 2010 Asian Games na kasalukuyang ginaganap, napapansin kong nagiging aktibo na naman ang mga fans, dahil alam naman nating numero unong sport sa Pilipinas ang basketball. Bago pa lamang ganapin yun eh kanya-kanya nang kuru-kuro at saloobin ang mga fans. Dumadami at umiingay ang Internet boards, blogs at ang Facebook page ng Smart Gilas Pilipinas habang palapit ang Asian Games, at lalo na nung nag-umpisa.

At sa bawat laro, may nananalo at natatalo. Nang dumating na ang turn ng Smart Gilas Pilipinas na matalo, maraming lumabas na mga comments at blogs na nagsasabing “Umuwi na lang kayo!“, “Mag-resign ka na Coach Rajko Toroman!”, “Dapat si <insert name of player or coach here> na lang ang ipinadala, nanalo pa tayo!”, and all that kinds of shit. Pero noong nananalo naman ang Smart Gilas, puro papuri naman ang maririnig mo sa mga bugoy.

Sa aking mahigit na 10 years nang pagkaka-expose sa Internet (ang primary email ko nga eh ginawa using yung Netscape Navigator browser pa), nakita ko ang buti na idinulot nito sa buhay nating mga Pilipino. Subalit naging “channel” din siya sa numero unong “pastime” ng Pilipino, ang magreklamo, ngumawa at manghila ng ibang tao pababa. Sa Net-speak, libangan na nating maging “butthurt” at maging “troll”.

Parang araw-araw ganito ang ibang Pilipino.

Ayon sa Wiktionary, “butthurt” is a slang adjective meaning “annoyed, bothered, or bugged because of a perceived insult“. Pwede din syang noun na ang ibig sabihin ay “annoyance because of a perceived insult” o “upset because of a perceived injustice“. Ang “troll” naman, ayon sa Wikipedia, “is someone who posts inflammatory, extraneous, or off-topic messages in an online community, such as an online discussion forum, chat room, or blog, with the primary intent of provoking other users into a desired emotional response, or of otherwise disrupting normal on-topic discussion“. Sa madaling salita, ang taong “butthurt” eh yung mga tipo ng taong feeling nila ay telenovela ang buhay nila.

The two greatest sources of butthurt feelings in the Philippines.

Ang mga “trolls” naman eh yung layunin lang eh manggulo. Magiingay tungkol sa isang topic para mapansin, o matabunan ang maayos na diskusyon tungkol sa isyung yun, or hatiin ang isang grupo.

The most recent troll magnet.

Maitatanong nyo, anong kinalaman ng mga Internet terms na yan sa buhay natin? Para sa akin, malaki. Marami kasi sa atin ang butthurt sa mga bagay na hindi naman dapat. Butthurt dahil hindi nanalo ang Ginebra, butthurt kasi hindi napili ang idol na makasama sa National Team, butthurt dahil pinalitan ang ka-loveteam ng idol na artista, butthurt kasi nagtaas na naman ang presyo ng langis, butthurt dahil hindi nanalo ang kandidatong sinuportahan. At sa kadahilanang iyan, nagiging troll sila. Binabato ng piso ang referee, sine-secondguess ang mga magagandang hangarin ng kandidato, binabantaan ang bagong ka-loveteam ng idolo, nagra-rally sa kalsada, nagpo-post ng kung anu-ano sa Twitter at Facebook, naghehenyu-henyuhan, at kung anu-ano pa.

 

Magbigay kaya ng ganito ang gobyerno sa bawat Pilipino?

Hindi masama ang pumuna sa kung ano ang sa palagay ng isang tao ay hindi dapat, pero ibang usapan na kung lahat na lang ng makikita ay mali. Tinatabunan ang tama at pinapalaki ang kahit na ang maliit na pagkukulang. Isa pa, kung may nakitang mali, eh di gumawa ng bagay para itama iyun, sa halip na magngangangawa.

Taragis na yan, nagutom ako ah. Masarap kaya ang talangka bilang hapunan? Ah…hindi na siguro, baka masira ang tiyan ko at maging literal ang butthurt ko…XD

Tagged! 15 Random Things about Myself (Part 1)

Posted On March 8, 2010

Filed under Uncategorized

Comments Dropped 4 responses

Habang ako ay wala sa blogging ay may mga nag-tag pala sa akin. Sa una akala ko eh para lang siyang picture sa Facebook na may notification and what not, pero I learned na parang simpleng “Oy, taya ka!” iyun. Since tatlo na silang nag-tag sa akin dito, sasagutin ko na nga (though I doubt kung aabot ito ng 15, masyadong boring ang buhay ko)…

15 Random Things about Myself
1. Food is my greatest vice…

Hindi po ako nagsisinungaling, hindi rin ito typo. My greatest vice is not drinking (not even the second-greatest, it’s reading). Hindi man halata sa katawan ko, but I love to eat. Every payday at natapos ko nang mabayaran lahat ng bills (or even before that), I splurge on food. Kaya nga paborito kong puntahan ang Banchetto sa Ortigas. I also like trying out different kinds of food. However, hindi ko nga lang siya ma-satisfy minsan kasi kulang sa budget.

Honestly, nakainan ko na siguro at least once ang mga major food chains sa Pilipinas–Jollibee, McDonalds, KFC, Greenwich, Chowking, Tropical Hut, Burger King, Mang Inasal, Pizza Hut, Shakey’s, Yellow Cab, Goldilocks, Red Ribbon, etc. Pero kumakain din naman ako sa turu-turo at sa “tusok-tusok” (term ng isang college friend sa mga nagtitinda ng kwek-kwek, fishballs at iba pang street foods).

Gusto ko ring makatikim ng international cuisine, like Mediterranean, Middle Eastern, and all that. Pero bago iyan, tatangkilikin ko muna ang sariling atin. Gusto kong makatikim ng authentic na sisig Pampanga, longganisang Lucban at Vigan, lechon Cebu, pancit Lucban, bakil patong (aka pancit Tuguegarao), etc. Kaya ideal job ko ang trabaho ni Anthony Bourdain, travelling and eating. Nga lang, unlike him, dehins ako marunong mag-luto.

2. …but I hate vegetables.

Yup, I dislike vegetables, though there are times na kumakain ako ng leafy vegetables (like adobong kangkong, pechay sa nilagang baboy, and lettuce sa burger). Isa lang ang vegetable dish na kaya kong kainin nang hindi nagbubukod masyado: munggo.

In fact, there are times na naiinis ako sa ibang tao na magsasabi na “Hindi ka kumakian ng gulay? Kumain ka nga ng gulay!” Hello? Inaabala ba kita sa pagkain mo? Let a man enjoy his meal.

Siguro nanggaling iyung dislike ko for vegetables nung bata pa ako. Talagang force feeding kasi iyung ginawa sa akin eh. So then.

(to be continued…)

Pagbabalik

Posted On February 8, 2010

Filed under Uncategorized

Comments Dropped one response

Medyo matagal din akong hindi nakapag-post ng bagong entry dito. Maraming dahilan kung bakit–busy sa buhay, “writer’s block”, at kung anu-ano pa. Pero ang pinakamalaking dahilan diyan eh ang patuloy kong pakikipagbuno (naks, ang lalim!) sa mga “kumplikasyon” sa buhay ko. “Wrestling with my personal demons”, sabi nga sa English.

Sa totoo lang, may mga panahong medyo “depressed” ako dahil siguro sa hindi ko gaanong nagustuhan ang takbo ng 2009 para sa akin. Hayun, most of the times eh hindi ako makapag-isip ng mabuti. Maraming ideas, maraming gustong isulat, pero hindi mahanap ang salita.

Pagdating naman ng January 2010, naging busy naman ako sa trabaho ko, o para maging mas accurate, sa dalawang trabaho ko. Ngayon lang ako medyo nalibre.

Sana naman tuluy-tuloy na akong makapagsulat…

Gantimpala

Nitong nakaraang mga araw ay nabahiran ng kontrobersiya ang National Artist Award dahil sa pagtutol ng ilang mga alagad ng sining sa ilang mga napili ngayong taong ito, partikular na kay Carlo J. Caparas (Visual Arts and Film) at Cecille Guidote-Alvarez (Theater). Ayon sa mga tumututol, na kinabibilangan ng mga National Artists na sina Bienvenido Lumbera,  F. Sionil Jose, Virgilio Almario at iba pa, may mga mas karapat-dapat na maging National Artists subalit nawala sa pinal na listahan. Ibinigay nilang halimbawa ang eksperto sa musika na si Dr. Ramon Santos na siyang nakakuha ng maraming boto sa “selection process” pero hindi napili.

Sa kanilang parte, iginiit nila Caparas at Alvarez na karapat-dapat sila sa karangalang iyun. Sinabi pa ni Caparas na mga “elitista” ang mga tumututol sa kanyang pagkakapili bilang National Artist at dapat siyang maging National Artist dahil sa inilapit niya ang sining sa masa sa pamamagitan ng kanyang mga komiks.

Para sa akin, ang ipinupunto naman nina G. Lumbera, et al. ay hindi ang karapatan o ang kakayanan ng mga napili, kundi ang paraan at ang “circumstances” sa likod ng pagkakapili sa kanila. Alam naman ng lahat na sina Caparas at Alvarez ay mga masugid na taga-suporta ng administrasyong Arroyo, at aminin man nila o hindi ay malaki ang papel na ginampanan ng suportang iyon sa pagkakapili sa kanila. Isa pa, bakit may naalis na kandidato para sa parangal na nakakuha naman ng maraming boto? Halatang binigyan sila ng espasyo ng pumipili ng National Artist. Sino nga ba ang namili ng mga pararangalan ngayong taong ito? Hindi ba si GMA?

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis ako sa banat ni Carlo J. Caparas na elitista raw ang mga may ayaw siyang maging National Artist at karapat-dapat daw siya sa parangal dahil sa kanyang “paglalapit ng sining sa masa”. Una, kung aalamin niya ang buhay ng kanyang dalawang pinaka-mahigpit na kritiko sa usaping ito, hindi naman maituturing na mariwasa o marangya ang pinanggalingan nila. Si G. F. Sionil Jose ay nanggaling sa pamilya ng mga magsasaka sa Pangasinan samantalang si G. Bienvenido Lumbera ay naulilang lubos at inalagaan ng mga kamag-anak. Pangalawa, kung ang pagiging malapit sa masa ang magiging sukatan ng pagiging National Artist, bakit hindi pa National Artist si Dolphy? O kaya si Mars Ravelo, na mas sikat ang mga gawang komiks kaysa sa kanya? Babanat na nga lang, sablay pa. Napapatunayan lang na tama ang mga kritiko niya.

Para naman kay Gng. Alvarez, isyu ito ng delicadeza. Ikaw ang pinuno ng ahensiya ng gobyernong naatasang pag-aralan ang mga kandidato sa parangal, bakit mo ibibigay ang parangal sa sarili mo? Granted na marami po kayong naiambag para sa pagsusulong ng sining sa bansang ito, bakit hindi nyo na lang po hinintay na matapos ang termino ninyo bilang pinuno ng NCCA (National Center for Culture and the Arts) bago po kayo maghangad na maparangalan? Konting nipis lang naman po ng mukha ang hinihingi namin.

Subalit ang higit na nakalulungkot at nakakapagngitngit isipin ay ang katotohanang ang isang parangal na kasing-prestihiyoso ng National Artist Award ay para na lamang isang piraso ng karne sa ilalim ng rehimeng ito–ibinabato bilang pabuya sa mga pinakamasusugid na alagang aso. Hindi na nakuntento sa paggamit ng pera at puwesto sa gobyerno, pati mga parangal ay ginagamit na rin bilang panuhol ng administrasyon. Pero ano pa nga ba ang aasahan mo sa isang gobyernong iniluklok ng pandaraya at binubuhay ng panunuhol at panggigipit?

Kung ayaw nilang ibalik ang parangal na nakuha nila kay Gloria, ayos lang. Hayaan na lang natin silang magsaya sa nakuha nilang gantimpala sa pagpapakatuta at pagpapakaputa sa isang maruming gobyerno.

Iyun lang.

The Final Word for Today, August 5th

Posted On August 6, 2009

Filed under Seryosohan
Tags:

Comments Dropped one response

Habang isinusulat ko ito ay mapayapa nang namamahinga si Presidente Cory Aquino kasama ng kanyang asawa na si Senador Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park.

Isang pahabol lamang ito sa mga naisulat ko na, dahil naramdaman kong kulang pa iyun noong nakita ko sa telebisyon ang mga tagpo kanina habang inihahatid si Presidente Cory sa kanyang huling hantungan.

Makapanindig-balahibo ang makita ang libu-libong tao na nakapila sa kalsada, hindi iniinda ang ulan, pagod at gutom, makapagbigay lamang ng respeto sa pangulong itinuturing na “Ina ng Demokrasya” at “global democracy icon”.

Nakakataba ng pusong panoorin ang mga taong nagbibigay ng mga payong, tubig, kapote at iba pang bagay sa mga nakapila sa La Salle at Manila Cathedral ng walang anumang kapalit.

Makabagbag-damdamin ang makita ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang katayuan sa buhay–mayaman, mahirap, bata, matanda, babae, lalake–na nagsasama-sama para makita sa huling pagkakataon ang inirerespetong idolo.

Kahanga-hangang panoorin ang apat na “honor guards” na hindi pinansin ang ulan at pagod sa pagtupad sa marangal na tungkuling samahan si Tita Cory sa kanyang huling hantungan, kahit na ang ibig sabihin nito ay ang pagtayo ng mahigit 8 oras.

Sinasabi nila na nabuhay muli ang “Cory magic” at ang “diwa ng EDSA” nitong nakaraang mga araw. Siguro nga, dahil sa dinami-dami ng mga “pinuno” na dumaan sa kasaysayan ng bansang ito, si Presidente Cory lang ang nakitaan ng sinseridad at tunay na pagsasakripisyo para sa bayan.

Subalit hindi dapat dito magtapos ang kung anumang ipinakita natin nitong nakaraang mga araw.

Dapat nga eh gamitin natin ang mga aral na nakuha natin mula kay Tita Cory, gaya ng ginagawa natin sa mga aral na natutunan natin mula sa mga magulang natin. Gamitin natin ang ehemplo niya para tayo maging mas mabuting tao, mas mabuting Pilipino.

Sabi nga ng isang kaibigan ko sa kanyang blog, “Wag sana nating kalimutan ang simbolo ng dilaw na laso para sa ating mga Pilipino. Democracy lost its parents. Now, as children of democracy, we should do whatever it can to pursue the values and the principles our parents left us…”

Sabi ni Presidente Cory, “I thank the Lord for making me a Filipino, and I thank everybody for making me one of you”. Ang masasabi ko naman, I thank the Lord for making you a Filipino. And no, thank you for being one of us, Tita Cory.

Muli, ang aking pakikiramay sa pamilya Aquino at salamat, Tita Cory, sa lahat ng sakripisyo para sa bansa.

Iyun lamang po.

Farewell, Tita Cory

Posted On August 2, 2009

Filed under Seryosohan
Tags:

Comments Dropped leave a response

The country was shocked and saddened by the passing of former President Corazon “Cory” Aquino yesterday at 3:18 in the morning due to complications arising from her colon cancer. I learned about it at 7:30 a.m., when I turned the TV on and the networks are already carrying the sad news. I would have wanted to follow the news all day long but I had work. It seemed also that the heavens mourned the passing of “Tita Cory” as it was raining all day. As of today, former President Aquino’s remains lie in state at the chapel of La Salle Greenhills in San Juan, where it will stay until tomorrow morning, where it will be moved to the Manila Cathedral, where it will remain until her burial on August 5.

Personally, I am also saddened because a respected leader has passed away in a nation desperately needing of someone or something to look up to, someone to unite them. With those in power more interested on their self-interest, the people clearly divided and every other social institution, like the Church, the military and the so-called “civil society” tainted by perceived support to special interests, Tita Cory’s loss is a blow for those who seek a voice. As Time Magazine asked in its article, “whom will they march with now that their saint has gone to meet her God?”, her shoes would be impossible to fill, judging by the type of characters lurking around in Philippine politics and society at the present.

Although her administration was not perfect (she failed to break the dominance of the entrenched elite) and tumultuous (she stood down at least seven coup attempts), not to mention that People Power I opened wounds that are still open up to the present, her success in bringing back freedom and democracy in the Philippines, as well as inspiring others across the world, would be remembered for all time. Through People Power I, Filipinos had a reason to be proud.

I owe my freedom to blog about my thoughts today without interference to the people who participated in EDSA I, and to the lady who inspired and led them. Let this be a tribute to that lady.

Farewell, Tita Cory. Salamat po sa lahat ng sakripisyo ninyo para sa bayan natin.

May the Lord bless and keep you in His grace.

Iyun lang po.

Next Page »